M063 092226 - Burado

Burado

Caption and Illustration by Jannah Marie Duana | 24 September 26

Taong 1972 nang ideklara ang Batas Militar sa Pilipinas, na nagmarka sa isang madilim na kabanata sa kasaysayan ng bansa. Sa ilalim ng diktadura, matinding pagsikil ang naranasan ng mga Pilipino—mga tinig na pinatahimik, mga karapatang niyurakan, at mga kuwentong binura. 

Hindi man kilalanin sa kalendaryo ang masalimuot na araw na ito, at patuloy mang binubusalan ang pambansang kamalayan, hindi dapat maging banyaga sa kasalukuyan ang mga katotohanang pilit na nililinis upang maging kaaya-aya sa makapangyarihan.

Dahil ang kasaysayang kinalilimutan ay kasaysayang maaaring maulit sa kasalukuyan. Kaya ang pag-alala ay hindi lamang pagbabalik-tanaw sa nakaraan, kundi pagkilala sa mga tinig na minsan nang pinatahimik at pagpapaalala sa halaga ng kalayaang hindi dapat ipinagkakait kaninuman.

Huwag natin hayaan na ang pinagtatakpang kasaysayan ay tuluyang maging isang buradong katotohanan.

#ML54 #NeverAgainNeverForget