M173 043026 - ISKOMIKS

Hindi Bala ang Kaniyang Sandata

Caption and Illustration by Caitlin Beatrice Mutas | 30 June 26

Hindi siya naghahanap ng kaguluhan. Hinahanap niya ang katotohanan—sa mga laylayan, mga magsasaka, at mga kwentong hindi naililimbag sa mga pahayagan. 

Hindi bala ang kaniyang sandata. Hindi baril ang lapis, hindi armas ang mga pahina. Hindi terorista ang pagiging aktibista. 

Dahil sino nga ba ang tunay na terorista–ang mga kwentong pinaglilingkuran ang masang anak-pawis, o ang sistemang pasista? 

Pinatahimik man ang naghanap, hinding-hindi matatahimik ang paghahanap sa katotohanan.