Gintong Aral sa kwento ng mga Atletang Pinoy
Written by Jan Rennie Abat • Boards by John Ivan Pasion | 11 August 24
Magbigay-pugay sa mga atletang Pilipino!
Iba-iba man ang mga kwento at karanasan ng ating mga atletang Pilipino sa Paris Olympics 2024, sila ay mananatiling wagi at mga kampeon ng ating bayan. At sa kanilang muling pagbabalik sa bansa, hindi lang gintong medalya ang naiuwing tagumpay– kasama nito ang mga gintong aral na ating babaunin nang walang humpay.