M138 - 022826 - BAYAN AT PUSO

Bayan at Puso

Written and Board by Jabiel Baliton | 27 February 26

Tuwing Pebrero, natural lang na isipin natin ang kilig at pagmamahalan sa pagitan ng magkasintahan. Ngunit sa likod ng mga sandaling nagpapasaya sa puso, naroroon ang mas malalim at mas makabuluhang uri ng pagmamahal na madalas nating nakakalimutan. Ang pag-ibig ay hindi lamang para sa dalawa. Ito ay para sa pamilya, sa kaibigan, kalikasan, at higit sa lahat, sa bayan. Ang pagmamahal sa bayan ay hindi lang damdamin—ito ay paninindigan. Kapag mahal mo ang bayan, pinipili mong maging mulat. Pinipili mong makialam. Pinipili mong tumindig.

Walang kulay ang EDSA, ngunit mayro’n itong hugis.

Sa pambihirang pagkakataon, nagawa nating baliktarin ang tatsulok—at taumbayan ang nasa tuktok.

Tayo ang EDSA.

Tayo ang tinig ng kalsada.

Tayo ang pagbabago sa madungis nilang sistema.

Magtatapos na man ang buwan ng Pebrero, ngunit hindi matatapos ang pagmamahal na nagpaningas sa bawat panahong may pagtatangkang baluktutin ang katotohanan. Sapagkat ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang sinasambit—ito ay isinasabuhay.