Usaping Kalusugan: Sa Isyu ng HIV Palawakin ang Kamalayan

Usaping Kalusugan: Sa Isyu ng HIV Palawakin ang Kamalayan

Written by Jamilla Marie Matias โ€ข Boards by John Ivan Pasion | 30 June 25

Sa pagsapit ng unang linggo ng Hunyo ay siya ring pagtaas ng mga nag popositibo sa HIV o ang Human Immunodeficiency Virus.ย 

Ayon sa Department of Health (DOH), nasa 57 kaso ng HIV ang naitatala araw-araw mula Enero hanggang Marso nitong 2025. Higit na mataas sa 47 kaso kada araw na datos noong nakaraang taon. Ang mas lalong nakababahala, nasa edad 12 hanggang 25 ang tinatamaan o nagkakaroon ng sakit na ito. Dahilan kung bakit inirekomenda ng nasabing ahensya ng gobyerno na ideklara itong โ€œNational Public Health Emergencyโ€.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—›๐—œ๐—ฉ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ผ?

Ang sakit na HIV ay sumisira sa kalusugan o ng immune system ng isang tao, maaari itong humantong sa AIDS o Autoimmune Disease Syndrome kung hindi kaagad maagapan. Nakukuha ito sa hindi protektadong pakikipagtalik, paggamit ng mga kontaminadong karayom, at sa pagsasalin ng dugo mula sa isang taong may HIV. Sa kabilang banda, ang naturang sakit ay hindi makukuha sa pakikipag yakapan, pag ubo, o pag bahing. Taliwas ito sa mga maling paniniwala at sa pag stereotype ng mga tao sa HIV.ย 

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—›๐—œ๐—ฉ

Ayon sa DOH, kabilang sa sintomas ng HIV ang pagkakaroon ng lagnat, lubos na pagkapagod, pamamantal, pagsakit ng mga kasukasuan, pananakit ng lalamunan, at pamamaga ng kulani o ng lymph nodes. Bagamat normal ang mga nabanggit na sintomas, nagpaalala ang nasabing ahensya na huwag itong balewalain bagkus alamin ang kahalagahan ng pagpapa test upang maagapan.ย ย 

๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ง๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป

Isa sa mga aspeto kung paano tugunan ang isyung ito ay ang paglawak ng kamalayan ng mga indibidwal, partikular na sa mga kabataan. Malaking bahagi nito ang pagkakaroon ng sex education sa mga paaralan, komunidad, at maging sa loob ng tahanan. Mahalagang matalakay ang mga ganitong usapin sapagkat dito nahuhubog ang kaisipan ng bawat isa sa mga dapat isaalang-alang na gawain kagaya na lamang ng angkop na paggamit ng condoms, pagtanggi, at ang pagpapahalaga sa sarili. Ang pagkatuto ay hindi magiging huwad kung ang misyon nitoโ€™y taniman ng kaalaman ang bawat isipan at gawing ligtas ang lipunan.ย 

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐˜„๐—ฎ

Mahalaga ang papel ng mga organisasyong tumutulong upang sugpuin ang HIV sa bansa. Ilan sa mga ito ay ang LoveYourself Inc., The Red Whistle, Positive Action Foundation Philippines, Inc. (PAFPI), at Project Red Ribbon na may iisang mithiin โ€” pigilan, kalingain, at magbigay espasyo sa mga taong may HIV. Hatid ng mga naturang samahan ang libreng HIV testing, antiretroviral treatment (uri ng gamot para sa HIV), mga counseling, programang pangkabuhayan, at pagkakaroon ng ibaโ€™t ibang adbokasiya upang wakasan ang istigmaโ€™t diskriminasyon.ย 

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป

Sa isang lipunang puno ng maling akala at panghuhusga ang pagdamay ang magbabago sa naratibo ng estado ng HIV sa Pilipinas. Sapagkat sa halip na takot at hiya, itinataguyod nito ang kamalayan, pag-unawa at pakikiisa. Importante ang kolektibong pagkilos upang tugunan ang lumalalang krisis na ito, kasama nito ang panawagang kumawala na sa tanikala ng istigma ang HIV. Pagkat hindi mismong sakit ang papatay sa pangarap ng mga taong dumaranas nito kundi ang kawalang-malasakit at patuloy na pangungutya. Sa kabilang banda, mahalaga ring matutunan ang tamang disiplina sa sariling katawan, maging protektado sa tuwina at humindi kung kinakailangan. At para sa kinabukasan, maging mulat nawa sa usaping ito ang tila sagradong bayan.ย 

1
2
3
4
5
6
7
8
9